Open your arms to change - but remember, never lose sight of your values.
   

<< January 2012 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31



yessamin

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Tuesday, June 24, 2008
after almost two years...

almost two years had passed..ok pa pala itong site na ito. akala ko, close na..

yung nagdaang two years, sobrang daming nangyari sa buhay ko...it changed my life forever..and my views about life.

i changed job..from construction firm to design firm..im doing good right now, im happy with my new job..more challenging and with greater responsibilties.

i lost my brother in a tragic accident early this year..its the most painful thing i've ever felt in my entire life..i clearly remember that day..in the morning of january 17..i was still able to talk and text him..by 3 pm i got the news that he had an accident and he's incoma, before i reached the hospital in batangas...he's gone...i love him dearly, i owe to him a part of what i've reached now..he made sacrifices for me..and until now, im still in the process of moving on..i still cry for his loss...i still felt pain..sometimes, still in denial..whenever i get off the bus, i still hope that he's there, waiting to fetch me up..

my friends are far now..sign na siguro talaga ito ng nagmamature..iba iba ng yung priorities sa buhay..yung iba, may family na..yung iba nagmigrate na...ilang na lang kaming naiiwan dito...

next time na lang ulet..baka mas mahaba na maisulat ko..

 

 


Posted at Tuesday, June 24, 2008 by yessamin
anong comment mo?  

Monday, July 03, 2006
isang araw lang

sakit ng ulo ko.
 
sobrang dami trabaho. nagsisimula pa lang bago phase ng project. ang daming site, as of now 45 na, sana wag na muna magdagdagan or kung madagdagan man, kailangan ko ng bagong staff.
 
halos araw araw, 16 hours ang trabaho, puro overtime. dati nagkakaroon pa ako ng time magstroll or magjog sa park, pero ngayon di ko na magawa kase kahit weekend pumapasok pa rin sa office.
 
ang daming kausap. halos kalahati ng araw ko nauubos sa telephone conversations, puro follow up, nego, bigay ng instruction. ang sakit sa ulo, di kaya naluluto na yung utak ko dahil sa radiation ng cellphone?
 
tapos, walang katapusang report  -  progress report, report para sa manager's meeting, report para sa board meeting, dadagdagan pa ng mahahaba at nakakaantok na meeting.
 
gusto ko magrelax. isang araw na walang telepono, walang computer, walang drawings, walang site and link up survey report, walang VAPP at PAAF, quotations for review, walang submissions, walang istorbo. walang daily house chores na iisipin. walang iniisip na kahit na anong problema - sa opisina man o sa bahay.
 
ang nais ko lang marinig ay ang mahinang musika na nagmumula sa aking cd player o di kaya ay ang tunog ng kalikasan - ang huni na ibig, lagaslas ng tubig, tunog na nalilikha ng mga dahon ng puno sa banayad na pag-ihip ng hangin.
 
sana magawa ko, kahit isang araw lang.
 

Posted at Monday, July 03, 2006 by yessamin
anong comment mo?  

Tuesday, June 27, 2006
miss you

i miss you.
wish you were here, back home.

Posted at Tuesday, June 27, 2006 by yessamin
anong comment mo?  

Thursday, May 11, 2006
peach and rabidness

i miss talking to her until wee hours of the morning, squealing (my gg's secret feeling for me, hehehehe), tittering like teenagers, laughing out loud as if there's no tomorrow.  i miss her punchlines, like "kailangan ba laging may logic", "sinadya kong walang logic yun, para masaya"  with rolling eyes and hands at her waist. i miss eating with her, gosh, she often eat a hearty meal (read: one casserole of rice), yet she doesn't become fat (huh? that green-eyed monster is showing at my back because of this, hehehehe). she used to give me a silly grin, whenever i cook because it was raw. i miss shopping with her, she often criticize the price of the items i feel like buying, because of that, i end up buying nothing.   i miss every girly stuff that i do with her.
 
now, i feel so worried for my good friend, she's at her lowest point in life right now.  she once told me that she almost gave up for problems piled up one after another. she loves her husband and kids very much, she's willing to do everything for them, ready to sacrifice, ready to take risks, she even swallowed her pride for them. it was so sad to see a very mirthful person like her suffers. my heart silently weeps for her.  everytime i hear her cry over the phone, tears, silently roll down my face, its so hard to sound encouraging when i almost feel the pains she had. i prayed that i could help her, in my own little way, the best that i could.  i want her to know that, i'll always be here for her, through thick and thin.  my gg and i are planning to pay her a visit over the weekend, i hope that our busy schedule will not interfere with this.
 
i know God will make a way to help her get through all these. i prayed that she will take care of  that little darling imbibing every nutrients in her.  i prayed that she'll always think of her as God's gift. 
 

Posted at Thursday, May 11, 2006 by yessamin
anong comment mo?  

Wednesday, May 03, 2006
sunday, sa don bosco church

 "si mama talaga, imi-istyle." sabi ni kurt, ang batang palagi naming nakakasabay ni baron sa pagsimba sa don bosco church tuwing 8:30 ng umaga. hindi ko naintindihan kung bakit ganun ang tinuran ng bata, at kung anong style ang sinasabi niya, hindi pa kase tapos ang mass kaya di ko nabigyan ng matamang pansin.

 

paano nga ba namin nakilala ang batang iyon?

 

nagsimula kaming regular na magsimba sa don bosco noong unang linggo ng abril, at mula nuon, hindi kami pumapalya sa sunday mass.

 

nang linggong iyon, napansin namin na palaging nakatingin sa amin ang batang iyon na nasa gawing kanan ng aming upuan. nagmamasid. sa tuwing napapagawi ang aking paningin sa kinauupuan nilang mag-ina, nakikita ko na nakatingin siya, tapos kakausapin ang kanyang ina. sinabi ko iyon kay baron, napapansin din pala nya. ngumiti ako sa bata at ganun din sa baron.  pagkatapos ng misa, napansin ko na  kumaway siya at namaalam. hindi na namin nalaman ang kanyang pangalan dahil umalis na silang mag-ina bago matapos ang last song ng mass.

 

sumunod na linggo, linggo ng palaspas, malapit ng sumapit ang ika-walo't kalahati ng umaga, wala pa silang mag-ina, naisip ko na baka hindi sila magsisimba ng ganung oras. pero makalipas ang ilang sandali, napansin ko na nakaupo na sila sa bandang likuran, nakangiti siya, ipinakikita ang maliit na laruan na dala nya. nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap siya, at duon ko nalaman ang pangalan nya, si kurt, apat na taong gulang. hanggang duon lang ang aming naging usapan, magsisimula na ang misa. gaya ng dati, pagkatapos ng misa, kumaway ulit siya para magpa-alam.

 

linggo ng pagkabuhay, katabi na naman namin siya, parang naging magaan na ang loob sa amin ni kurt, habang nagmimisa, hindi na nya napigilan ng kunin ang aking pansin, kinalabit nya ako at itinuro yung rebulto ng risen christ, may itinatanong siya, muli, hindi ko naintindihan, mahina kase ang pagkakasabi nya, marahil ay iniisip nya na hindi siya dapat mag-ingay sapagkat nasa gitna kami ng misa. muli sa kanilang pag-aalis, kumaway siya, pagkatapos ay lumakad patungo kay father para magmano.

 

sumunod na mga linggo, kasabay pa rin namin siya sa pagsimba. nakakatuwang bata, refine ang kilos nya sa loob ng simbahan, di tulad ng ibang bata na kung ano anong ginagawa. may hawak siyang misallete, at kagaya ng kanyang mama, sinusundan nya ang pagbabasa ng commentator. minsan, nagtatanong ako sa aking sarili "marunong na kaya siyang magbasa ng english sa gulang na apat na taon?" 

 

naisipan namin ni baron na bigyan siya ng munting laruan.  noong linggo, kagaya ng nakagawian, kasabay na naman namin sila magsimba, nakaupo sila sa unahan namin.  bago magsimula ang misa, kinakausap nya ulit kami sa napakahinang tinig, habang nagmimisa, panaka naka'y sumusulyap siya sa aming dako. sa tuwing susulyap siya, sinasabihan ko siya na sa pamamagitan na pagsenyas na tumahimik at makinig sa sinasabi na pari. sa bawat pagsulyap niya, nakikita namin na ginagaya niya ang aming ginagawa kagaya ng  noong consecration na ng alak at tinapay, nakagawian na namin na nakalagay sa dibdib ang dalawang, kamay, pag-angat ko ng aking paningin, nakita ko si kurt na nakalagay din ang kamay sa dibdib at nakayuko, bagay na di niya ginagawa noong mga nakaraang linggo. nakakatuwang isipin na kinukuha niyang halimbawa ang aming ginagawa.

  

pagkatapos ng communion, iminungkahi ni baron na ibigay na namin ang munting laruan, nagtuturuan pa kami kung sino ang nagbibigay. sa muling paglingon ni kurt, iniabot ko iyon sa kanya. nagpasalamat ang siya at pagkatapos ay ipinakita sa kanyang ina. tulad ng mga nakaraan linggo, kumaway siya at nagpa-alam, pagkatapos ay lumakad patungo kay father para magmano.

 

pagkatapos ng misa, bumili kami ng pandesal sa don bosco na ang gumagawa ay ang mga kabataang kinukupkop nila para ibigay sa ilang pulubi na madadaanan sa kalsada. double purpose, nakatulong na sa livelihood project ng don bosco, nakapagbigay pa ng kaunting pagkain sa kapos nating kababayan. una naming nadaanan ang mag-inang pulubi at ang ikalawa ay inilalaan namin sa isang mamang nakita ko noong papunta pa lamang ako sa simbahan, subalit sa aming pagdaan ay wala na siya. napagkasunduan namin na kumain ng agahan sa isang malapit na fastfood chain ngunit puno na iyon, kaya umalis na kami upang humanap ng iba. pagpasok namin sa kfc, nakita namin doon ang batang si kurt, kasama ang kanyang mama at lola.  lumapit siya sa amin, dala ang munting laruan na bigay namin. nagkaroon ako ng pagkakataon na kausapin siya.

 

"saan ka nakatira?"

 

"sa bahay ng mama ko" ang sagot nya.

 

natawa kami ni baron, ganun din ang kanyang ina.   kung matanda ang sumagot ng ganun, napakapilosopo, pero dahil isang bata ang nagsabi, masasalamin duon ang pagka-inosente ng kanyang pag-iisip. natural, sa bahay ng mama siya nakatira, tama naman di ba? nagkaroon din kami ng pagkakataon na makausap ng saglit ang kanyang mama.

 

maya maya pa, umalis na rin sila, kagaya ng maraming beses naming pagkikita, ngumiti, kumaway at nagpaalam si kurt.

 

hanggang sa muling na pagkikita.

 

 

 

 


Posted at Wednesday, May 03, 2006 by yessamin
anong comment mo?  

Friday, April 21, 2006
old friend

naiinis akong makipagsiksikan sa mrt, so naupo ako sa isang bench sa station ng ayala mrt, umaasa na maluwag ang susunod na tren.  asa ka pa, sigaw ng isip ko, eh rush hour ngayon. gaya  ng nakagawian, wala akong pakialam sa lahat ng tao na nasa estasyon, kinuha ko ang "hope for  the flowers" at itinuloy ang aking pagbabasa.
 
pagkalipas ng ilang saglit, naramdaman ko na may tumabi sa akin, pero kagaya ng dati, hindi ko  iyon binigyan ng pansin, marahil isa rin siya sa mga katulad ko na ayaw makipagsiksikan.
 
mayamaya, nagsalita na siya.
 
"you still love reading books huh"
 
muli, hindi ko iyon binigyan ng pansin, masyado akong abala sa aking pagbabasa para bigyan ng  pansin ang taong katabi, at isa pa naisip ko na baka pick-up line lang yun ng isang taong gustong  makipagkilala. hehehehehe, umiral na naman ang pagiging snob ng lola. 
 
muli siyang nagsalita.
 
"you're really a snob, hanggang ngayon"
 
opps, teka, parang kilala nya ako. matapos kong maiangat ang aking mukha, isang familiar na  mukha ang aking nasilayan.
 
"hey jack, sorry, i've been busy with what im reading"
 
"i can see that. so how are you doing now?"
 
"im fine, busy with work?"
 
"oh, i see. still single? you look great now"
 
"thanks, yeah im still single, so what brought you here in makati?"
 
"finishing some business details"
 
"ah ok, i got to go now, nice meeting you again, ryan. bye"
 
at pagkatapos nun, nakipagsiksikan na ako papasok ng tren.  halos pitong taon na rin ang  nakaraan ng huli ko siyang makita. halos wala pa rin siyang pinagbago, hindi nakikita ang marka  ng pagtanda.
 
nakita ko na lang ang aking sarili na nagtatanong, "single pa rin siya kagaya ko hanggang ngayon?" 
 
"hmmmm, bakit siya nagcommute?" muling tanong ng isip ko.
 
nawalan na ako ng balita tungkol sa kanya pagkatapos ng huli naming pag-uusap.
 
naalala ko tuloy....
 
"so is this all the you really want?" sabi nya.
 
"you have to understand, from the start you know what are my priorities."
 
"your family again. i heard that several times,  ginagawa mo na lang scapegoat yun eh"
 
"look, from the start, i made my self clear. dont make me chose now. all im asking you is to give  more time, my family still needs me."
 
"fine, what do you want me to do? understand you? again, gosh, its been 5 years now, i getting  tired of all your reasoning."
 
"look, listen to me first"
 
"listen? i've been listening for long, will you listen to me now?"
 
"look..."
 
"hey, stop it, i'll chose for you. i'll make it easy for you"
 
tumayo siya at iniwan akong nag-iisa. mula nuon, hindi ko na siya nakausap.  ang huling balita ko,  lumipad na raw papuntang canada.
 
pagkatapos ng insidenteng iyon, isang araw, i got a message from unknown number. pero di kagaya ng dati, binigyan ng panahon na sagutin ang message galing sa number na di familiar sa akin.  nalaman ko na si jack pala yun. nakuha nya ang number ko sa isang dating kaibigan.
 
"could we meet and talk, for old times sake?" ang sabi nya.
 
"for old times sake huh?? im busy."
 
"ok, i'll adjust to your sched."
 
"text me later, im bound for singapore tomorrow. i'd be staying there for a couple of month."
 
"ok, till then. see you when i see you"
 
bakit kaya biglang gusto nya akong makausap? for old times sake? para ano pa, we both moved on na. pero "both" nga kaya? pano kung siya hindi pa? common, tagal na panahon na yun, di ko na dapat iniisip yun.
 
 
 
pagkaraan ng dalawang buwan...
 
"hey, jack here, free tonight?"
 
 
 
 
 
...........
 
 
"hey, jas, would you like to come with us for lunch?" tawag sa akin ng officemate ko.
 
"sure" ang sagot ko, malayo na naman pala ang narating ng isip ko. :-)
 
 

Posted at Friday, April 21, 2006 by yessamin
ang comment nila  

Next Page